Nung nakaraang sabado nagkasundo ang mga tropa na magpunta sa Palaka, Batanes ( meron ba nun?) kaso ang sabi sabi e wag na lang daw dun kaya ang plano ay nauwi sa pagpunta sa Nagcarlan, Laguna. Naayos na ang usapan hanggang ang isang bata ay hindi pinayagan kaya ang sabi ay hindi na matutuloy ang lakad. Subalit datapuwat walang ano-ano ay natuloy din ang magkakaibigan sa kanilang lakad at ayun nauwi sa pagpunta sa Tagaytay. Umalis ang barkada papuntang Tagaytay at
nanirahan panandali sa isang maliit na tahanan na kanilang nahanap. Nagkasiyahan ang magkakaibigan at pinagsaluhan ang mga pagkain na kanilang dala (salamat sa adobo, sandwich at kanin dala ni Janice at sa mga inumin at noodles ni Jay-r) at pagdaka'y nagsaya sa pag inom ng Bailey's at nagpakasaya
sa pagkuha ng mga litrato. Pagkatapos ng kasiyahan ay nagkasundo na ang mga mag kakaibigan na magpahinga sapagkat maaga pa ang aming lalakbayin kinabukasan para maghanap ng natatagong kagandahan ng Tagaytay. Lahat ay nahimbing sa pagkakatulog dahil sa katahimikan ng gabi at salamat na din sa mga hilik na parang naghehele sa lahat (hehehehe). Kinabukasan ang lahat ay maagang nagsigising naghanda na sa p
ag alis. Unang pinuntahan ng mga magkakaibigan ang Palace in the Sky na nung una ay animoy nasa langit ka sa kapal ng ulap na bumaba mula sa kalangitan. Pagkatapos pagurin ang mga sarili ay nagutom ang lahat at salamat sa napakaliit na sahod ni Lino ang magkakaibigan ay nagpunta sa isangnapakaliit na kainan na kung saan makikita mo ang magandang tanawin ng Bulkang Taal. Pinagsaluhan nila ang mga pagkaing sariwa tulad ng sugpo, pusit, tilapia, Nilagang Bulalo, at ang sariwang sabaw ng Buok (ay mali Buko pala!). Pagkatapos kumain ay nag usap-usap kung saan naman ang susunod na lakad ng mga magkakaibigan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pang napapagkasunduan. Kaya't abangan ang mga susunod na kabanata sa buhay ng magkakaibigan na walang iwanan!!! (CIAO!!!)
Thursday, December 01, 2005
Trip to Tagaytay
Posted by Gene at 12/01/2005 12:01:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
waaaah, di na naman ako kasama!!!
Post a Comment